^

Metro

3 pa sa Novaliches massacre, arestado

-
Tatlo sa anim na pangunahing suspect na sangkot sa pagmasaker sa limang katao, kabilang ang isang babae sa isang birthday party na naganap sa Novaliches, Quezon City ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga nadakip na sina Erid Salonga,32, electrician; Armando Sy, 36, jeepney driver; at ang kapatid nitong si Clarito ‘Butch’ Sy, 33, pawang residente ng Interior II, Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Q.C.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Wycoco na nakatakdang ilipat sa kanyang pangangalaga ang itinuturong utak sa naganap na krimen na nakilalang si Senior Insp. Alexander Navarette, nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Western Police District-Station 1 makaraang sumuko sa kanyang superior na si Supt. Danilo Pelisco.

Ang mga suspect ay sangkot sa pagmasaker sa mga biktimang nakilalang sina Virgilio Santiago, Rodolfo Fuentes, Eufemio Barcelona Jr., Lauro Adolfo at Maria Luisa Untalan noong gabi ng Hunyo 12 sa isinasagawang pagdiriwang ng kaarawan ng isa sa mga suspect na si Armando Sy sa bahay nito sa Novaliches.

Napag-alaman din ng NBI na bukod sa pagkakasangkot ni Salonga sa naturang krimen, sangkot din umano ito sa malawakang pagbebenta ng droga sa kanilang lugar. Nasamsam din dito ang ilang gramo ng shabu.

Malaki ang paniwala ng NBI na may kinalaman sa onsehan sa koleksyon sa droga at jueteng ang ugat sa naganap na krimen. (Ulat ni Grace Amargo)

ALEXANDER NAVARETTE

ARMANDO SY

DANILO PELISCO

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

DRUG ENFORCEMENT UNIT

ERID SALONGA

EUFEMIO BARCELONA JR.

GRACE AMARGO

LAURO ADOLFO

NOVALICHES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with