^

Metro

Softdrinks na ininom ng mag-ina, nagtataglay ng lason

-
Ipinahayag ng isang forensic chemist ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtataglay ng ‘poisonous substance’ ang apat na basong softdrinks na sinasabing ininom ng mag-iinang Rosalinda Zabala nang pumasok ang mga ito sa Jollibee Rockwell Mall sa Makati City noong nakaraang linggo.

Ito ang nabatid kay PO3 Juvenal Barbosa, may hawak ng naturang kontrobersiyal na kaso at nakatalaga sa Homicide Section ng Makati City Police.

Gayunman, sinabi ni Barbosa na ang pahayag na ito ng NBI experts ay hindi pa dokumentado kundi ‘verbal claim’ pa lamang.

Nais umano ng NBI na gumawa sila ng pormal na pahayag hinggil sa ginawa nilang eksaminasyon sa mga inorder na pagkain ng mag-iinang Zabala sa nasabing fastfood chain.

Bukas pa umano ipalalabas ng NBI ang resulta ng ginawang eksaminasyon ng NBI sa mga naturang pagkain. Sa resultang ito ay matutukoy din kung anong uri ng lason ang nakamatay sa mga bata.

Sinabi naman ng imbestigador na kasunod nang pagpapalabas ng resultang ito ng NBI, kaagad nilang isasampa ang double count ng parricide at frustrated parricide laban kay Rosalinda na nakaligtas sa tangka nitong mass suicide.

Magugunitang sa naturang insidente, nasawi ang dalawang anak ni Rosalinda na sina Raul III, 7 at Ramon Robert, 11. Habang nakaratay pa rin sa pagamutan ang isa pang anak na si Richard Dean, 8. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

HOMICIDE SECTION

JOLLIBEE ROCKWELL MALL

JUVENAL BARBOSA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAMON ROBERT

RICHARD DEAN

ROSALINDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with