Kidnaper ng mayamang intsik nasakote
July 10, 2001 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pinaniniwalaang utak sa pagdukot sa isang milyonaryong Intsik at sa kasama nito na nagbigay-daan din upang mailigtas ang mga biktima sa isang pagsalakay sa hideout sa Pampanga, kamakailan.
Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang suspect na si Joel Dungo, 25, ng 1311 San Nicolas St., kanto ng Yakal, Tondo at sinampahan na kahapon ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa Department of Justice.
Kasalukuyan pa ring hinahanap ng NBI ang iba pang kasamahan ng suspect na kinilalang sina Bobong Dagdag ng San Simoun, Pampanga, alyas Jimmy Santos; Mimoy Nicolas; Bong Negro at alyas Niño.
Sa ulat ay dinukot ng mga suspect ang biktimang sina Elmer Uy Chan at ang ahente nito na si Rolando Estrella noong Hulyo 3 sa panulukan ng Quiricada St. at Yakal St. makaraang ihatid sa eskuwelahan ang anak nitong babae.
Tinutukan ni Dungo ang biktima at ang kasama nito at sapilitang isinakay sa kotse at dinala sa Pampanga at doon itinago.
Makalipas ang apat na oras ay nakatanggap ng tawag si Elizabeth Chan, maybahay ng biktima, sa mga suspect na humihingi ng P10M bilang ransom.
Mabilis na nakipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa NBI at dahil dito ay natukoy ang kinaroroonan ng mga biktima at nailigtas ang mga ito sa San Simoun, Pampanga. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended