Trader niratrat habang nanonood ng TV
July 10, 2001 | 12:00am
Isang 49-anyos na negosyante ang pinatay ng dalawang hindi nakikilalang mga lalaki matapos na pagbabarilin ito habang nasa kasarapan ng panonood ng telebisyon ng pelikulang "The Last Boy Scout", kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Rizal Medical Center bunga ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib at braso ang biktimang si Fernando Alimbog, 49, at residente ng Callejon, 45, Barangay Bambang, Pasig City.
Sa ulat ni Inspector Antonio Paulite, hepe ng Criminal Investigation Division, naganap ang insidente dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi.
Nanonood umano ang biktima ng telebisyon kasama ang kanyang 19-anyos na pamangkin na si Charlene nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang dalawang suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ng dalawang ulit ang biktima.
Matapos ang pamamaril kaswal na tumakas ang mga suspect.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang maaaring motibo sa isinagawang pagpaslang, habang isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended