Miyembro ng kulto, inaresto sa pagpatay
July 9, 2001 | 12:00am
Isang hinihinalang miyembro ng kulto ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya matapos nitong masaksak at mapatay ang kanyang kasambahay at masugatan naman ang tatlong iba pa kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Kinilala ni Sr. Supt. Vidal Querol, NPD director, ang nadakip na suspek na si Melvin Agum, 35, may-asawa, tubong Zamboanga del Norte at pansamantalang nakatira sa 4076 Sara St., De Castro Subdivision, Mapulang-Lupa, Valenzuela.
Ang nasawi sanhi ng tinamong mga tama ng saksak sa dibdib ay nakilalang si Richard Gutierrez, 18, binata at kasamahan sa bahay ng suspek. Dead-on-arrival (DOA) ang biktima sa Valenzuela District hospital.
Ang mga sugatang biktima na kasambahay din ng suspek ay sina Juanito Cabardo, 48, ang asawang si Arlene, 39, at anak na si Junar, 18.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:45 ng madaling-araw habang magkatabing natutulog ang biktimang si Gutierrez at suspek nang bigla na lamang makarinig ng sigaw ang iba pang kasambahay nito mula sa silid ng una.
Inabutan umano ni Cabardo na sinasaksak ng suspek ang biktima kaya tinangka nitong awatin pero siya naman ang pinagbalingan nito pati ang kanyang maybahay at anak.
Isinugod naman sa pagamutan ang mga biktima pero idineklarang DOA si Gutierrez sanhi ng tinamong mga saksak nito sa katawan habang ang tatlo pang mga biktima ay ginagamot naman sa nasabing pagamutan. Naaresto ng pulisya ang suspek matapos ang insidente.
Napag-alaman ng mga awtoridad na bago maganap ang insidente ay magkasama pa umanong nagdadasal ang suspek at si Guttierrez sa bahay nito. Habang sila ay nagpapahinga ang isang sigaw ang kanilang narinig mula sa silid ng biktima.
Ipinapalagay ng mga awtoridad na miyembro ng isang kulto ang suspek na tumatanggi namang magbigay ng pahayag sa pulisya. Inaalam pa ng pusliya ang motibo sa krimen. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended