Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iniharap ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza ang mga nahuling suspect.
Sinabi ni Mendoza na ang pagkakadakip sa mga suspect ay bunsod ng pin
aigting pang kampanya ng pulisya laban sa mga kotong cops.
Nabatid na ilan sa mga nadakip ay naaktuhang tumatanggap ng suhol mula sa mga traffic violators ay buhat sa Makati Public Safety Authority (MAPSA), Caloocan at Pasig City Motorcycle Units.
Kinilala ang mga nasakote mula sa MAPSA na sina Alexander Laiu, John Adrinao, Angelito Remplacio, Tomitero Danas, Nereo Lacyon, Jean Dacquis at Conrado Yambao.
Sumunod namang nadakip ang dalawang miyembro ng Pasig City Motorcycle Unit na nakilalang sina Armando Vines at Riscal Redelosa.
Nadakip din ng mga awtoridad sina Armando Ponce at Roger Teodoro mga miyembro naman ng Department of Public Safety and Traffic Management ng Mayors Office ng Caloocan City.
Nalambat din ang dalawa pang tauhan ng MAPSA na nakilalang sina Dario Mapa at Antonio Sabado.
Sinampahan na ng kasong robbery at extortion ang mga nadakip. (Ulat ni Joy Cantos)