^

Metro

13 traffic enforcers tiklo sa kotong

-
Labing-tatlo pang tiwaling traffic enforcers ang nadakip ng mga awtoridad matapos na mahuli ang mga ito sa aktong nangongotong sa mga motorista sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iniharap ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza ang mga nahuling suspect.

Sinabi ni Mendoza na ang pagkakadakip sa mga suspect ay bunsod ng pin

aigting pang kampanya ng pulisya laban sa mga kotong cops.

Nabatid na ilan sa mga nadakip ay naaktuhang tumatanggap ng suhol mula sa mga traffic violators ay buhat sa Makati Public Safety Authority (MAPSA), Caloocan at Pasig City Motorcycle Units.

Kinilala ang mga nasakote mula sa MAPSA na sina Alexander Laiu, John Adrinao, Angelito Remplacio, Tomitero Danas, Nereo Lacyon, Jean Dacquis at Conrado Yambao.

Sumunod namang nadakip ang dalawang miyembro ng Pasig City Motorcycle Unit na nakilalang sina Armando Vines at Riscal Redelosa.

Nadakip din ng mga awtoridad sina Armando Ponce at Roger Teodoro mga miyembro naman ng Department of Public Safety and Traffic Management ng Mayor’s Office ng Caloocan City.

Nalambat din ang dalawa pang tauhan ng MAPSA na nakilalang sina Dario Mapa at Antonio Sabado.

Sinampahan na ng kasong robbery at extortion ang mga nadakip. (Ulat ni Joy Cantos)

ALEXANDER LAIU

ANGELITO REMPLACIO

ANTONIO SABADO

ARMANDO PONCE

ARMANDO VINES

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with