Pekeng pari inaresto habang nagmimisa
July 8, 2001 | 12:00am
Hindi na naipagpatuloy pa ng isang "pari" ang misang isinasagawa sa Our Lady of Grace Church sa Caloocan City nang arestuhin ito ng mga pulis sa harap mismo ng altar ng nasabing simbahan, kahapon ng umaga.
Ang pag-aresto ay ginawa laban kay Richard Tabila, 34, ng 116 Gomez St., San Francisco del Monte, Quezon City makaraang ipagharap ito ng reklamo ng ilang deboto ng simbahan sa pangunguna ng Alliance of Two Hearts (ATH), religious organization na nakabase sa nabanggit na simbahan na matatagpuan sa 1st Avenue, Caloocan City.
Batay sa sumbong ng nasabing mga deboto, kakaiba ang mga ikinikilos ni Tabila bilang isang pari, kung kaya nagsagawa sila ng imbestigasyon ukol dito.
Nabatid ng mga deboto na hindi kilala ang sinasabi ni Tabila na kanyang immediate superior na isang Bishop Rodolfo Adorna.
Itinatwa din umano ni Fr. Ben Gomez, parish priest ng nasabing simbahan na wala silang pari na nagngangalang Richard Tabila.
Bunsod sa mga natuklasan, agad na pina-imbestigahan ng mga deboto si Tabila at dito napatunayan nilang ang huli ay isang pekeng pari.
Sa himpilan ng pulisya, tikom ang bibig ni Tabila hinggil sa kung bakit siya nagkuwang pari sa naturang simbahan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended