Tuition fee ng anak naipatalo sa bilyar, ama nagbigti
July 8, 2001 | 12:00am
Hindi nakayanan ng isang 36-anyos na ama ang kanyang konsensiya kaya nagpasya itong wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti makaraang ipatalo nito sa bilyar ang perang pambayad sana sa tuition fee ng kanyang anak, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Nakilala ang nasawi na si Rodrigo Dacquel, ng Industrial Valley Complex, Brgy. IVC, Marikina City.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na nadiskubre ang pagpapatiwakal dakong alas-5 ng umaga ng kanyang anak na babae na si Alma,12. Maghihilamos na sana si Alma sa kanilang kusina nang mapansin na nakabitin ang ama sa kanilang sala.
Narekober naman ng mga awtoridad sa lugar ang isang suicide note na dito nakasaad ang paghingi ng tawad ng nasawi sa kanyang mga kasambahay.
Kabilang dito ang "Patawad, nagamit ko sa bilyar ang pera na pang-paaral ng anak ko".
Nabatid sa mga kaanak ni Dacquel na umalis umano ang biktima sa kanilang bahay dakong alas-7 ng gabi kamakalawa na hindi sinabi kung saan pupunta. Hindi rin nila namalayan ang pag-uwi nito.
Matapos madiskubre ang sulat, dito na nabatid na nawawala ang P11,000 itinatago ng misis nito para pambayad sa kabuuang tuition fee sa pribadong paaralang pinapasukan ni Alma. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended