^

Metro

Mister di pinatabi ni misis, nagbigti

-
Matapos ang matinding pag-aaway sa pagitan nilang mag-asawa nang tumanggi ang misis na patabihin siya sa pagtulog, isang 44-anyos na mister ang winakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Nakilala ang nasawi na si Celestino Digno, 44, ng Tandang Sora St., Barangay Parang, Marikina City.

Nadiskubre ang bangkay nito ng kanyang misis na si Norma dakong alas-4:15 ng madaling araw na nakabitin gamit ang isang lubid sa gitna ng sala ng kanilang bahay.

Sa ulat ni PO2 Edwin Arce, isang pagtatalo umano ang namagitan sa mag-asawa bago ang naganap na pagpapakamatay ng lalaki. Tumanggi umanong pasipingin ng babae ang kanyang mister na lubhang dinamdam ng biktima.

Samantala, dahil sa pagkakatanggal sa trabaho ay minabuti na lamang ng dating manager sa isang pizza parlor ang magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Manila, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nagpatiwakal na si Romel Samper, 24, ng New Antipolo St., Tondo, Manila.

Nabatid na naging malungkutin ang biktima makaraang labis nitong damdamin ang pagkakasibak sa kanyang trabaho dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng isang delivery boy ng nasabing pizza parlor noong buwan ng Mayo. (Ulat nina Danilo Garcia at Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

BARANGAY PARANG

CELESTINO DIGNO

DANILO GARCIA

EDWIN ARCE

MARIKINA CITY

NAKILALA

NEW ANTIPOLO ST.

ROMEL SAMPER

TANDANG SORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with