Binigyang diin ni Dr. Carol Basilio ng Alert and Concern for Better Employees of SSS, na dadagsain ng mga empleyado ng SSS ang Malacañang upang iparinig kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kahilingan na alisin nito sa posisyon ang SSS chairman Vitaliano Nanagas.
Ayon sa mga empleyado ng SSS,mula nang maluklok sa kanyang posisyon si Nanagas ay hindi na nagkaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa mga manggagawa dito.
Bukod dito, hindi rin umano nagustuhan ng mga empleyado ang paglalagay sa magandang puwesto sa SSS ng ilang mga kakilala at kaibigan nito na may malalaking sahod, gayung ang problema ng mga manggagawa nito ay hindi man lamang maaksiyunan tulad na lamang ng usapin sa privatization. (Ulat ni Angie dela Cruz)