^

Metro

Mga kawani ng SSS lulusob sa Malacañang

-
Nagbanta kahapon ang mga empleyado ng Social Security System (SSS) na lulusubin nila ngayong Biyernes ang Malacañang upang iparinig ang kanilang mga sentimiento laban sa bagong pamunuan ng ahensiya.

Binigyang diin ni Dr. Carol Basilio ng Alert and Concern for Better Employees of SSS, na dadagsain ng mga empleyado ng SSS ang Malacañang upang iparinig kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kahilingan na alisin nito sa posisyon ang SSS chairman Vitaliano Nanagas.

Ayon sa mga empleyado ng SSS,mula nang maluklok sa kanyang posisyon si Nanagas ay hindi na nagkaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa mga manggagawa dito.

Bukod dito, hindi rin umano nagustuhan ng mga empleyado ang paglalagay sa magandang puwesto sa SSS ng ilang mga kakilala at kaibigan nito na may malalaking sahod, gayung ang problema ng mga manggagawa nito ay hindi man lamang maaksiyunan tulad na lamang ng usapin sa privatization. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALERT AND CONCERN

ANGIE

AYON

BETTER EMPLOYEES

DR. CAROL BASILIO

MALACA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SOCIAL SECURITY SYSTEM

VITALIANO NANAGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with