Lolo na 'nanggapang' sa lola, hanap
July 5, 2001 | 12:00am
Bunga ng matinding lamig ng panahon na dulot ng bagyong si ‘Feria’, isang 66-anyos na lolo ang pinaghahanap ngayon ng mga pulis-Quezon City makaraang gapangin at tangkang pagsamantalahan ang isang lola sa nabanggit na lungsod, kahapon ng madaling-araw.
Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Criminal Investigation Unit upang madakip ang suspect na lolo na nakilalang si Alejo Bautista, operation manager ng Saga Agency at naninirahan sa Batasan Hills, Quezon City.
Kinilala naman ni Supt. Raul Medina, hepe ng CIU, ang biktima na si lola Aniceta Gayatin, 60, ng nabanggit ding lugar.
Lumitaw sa imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ni Gayatin. Si Gayatin ang siyang may-ari ng Saga Agency at tauhan naman nito ang suspect na si Bautista.
Ayon sa biktima mahimbing siyang natutulog sa kanyang kuwarto nang maramdaman niyang biglang may mabigat na dumagan sa kanyang katawan.
Nang imulat niya ang kanyang mata ay nakita ang mukha ng lalaking nakadagan sa kanya na walang iba kundi ang kanyang empleyadong si Bautista.
Pinilit ng biktima na manlaban at nagawa naman nitong makatakas mula sa kamay ng suspect na nagawa namang makatakas matapos ang isinagawang panggagapang. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest