Jamaican national tiklo sa pekeng prepaid card
July 4, 2001 | 12:00am
Bilangguan ang kinahantungan ng isang Jamaican national matapos na mabisto sa pagpapakalat at pagbebenta ng mga pekeng prepaid card, kamakailan sa Pasay City.
Nakilala ang nadakip na dayuhan na si Abali Abu Ali, may-asawa at naninirahan sa Concepcion St., ng nabanggit na lungsod.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang iba pang kasamahan ni Ali sa naturang sindikato.
Ayon pa sa ulat, ang modus operandi umano ng grupo ni Ali ay manguha ng mga gamit na prepaid card at pagkatapos ay muli nila itong papatungan ng gray coating ang kinasusulatan ng PIN number bago isisilid sa sealed plastic upang magmukhang bago at saka ibebenta.
Sinasabing isang maimpluwensiyang Filipino-Chinese businessman ang nagsisilbing financier ng grupo at ngayon ay target ng operasyon ng mga awtoridad.
Ilang pirasong fake cellcard ang nabawi umano ng mga operatiba sa nahuling Jamaican subalit tumanggi ang Pasay City Police na ipakita ang mga ito, maging ang pagbibigay ng iba pang detalye tungkol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended