Mamboboso todas sa saksak

Isang 28-anyos na lalaki na nahuling namboboso ang sinaksak at napatay ng kanyang binobosohan, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Pasig City General Hospital ang biktimang nakilalang si Larry Lanoy, obrero, ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Nagtamo ito ng saksak sa kanyang dibdib at kanang braso na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Agad namang sumuko ang suspect na nakilalang si Marly Borromeo, alyas Bunso, ng nabanggit ding lugar. Nakumpiska din dito ang patalim na ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Ayon kay Inspector Antonio Paulite, hepe ng Criminal Investigation Division, na kasalukuyan umanong nakikipagtalik ang suspect sa kanyang ka-live-in sa loob ng kanilang bahay dakong alas-10 ng gabi nang makita nitong nakasilip at naninilip sa isang malaking siwang sa dingding na kahoy ang biktima.

Mabilis umanong nagbihis ang suspect hinabol ang biktima hanggang sa ito ay abutan at saka inundayan ng saksak sa katawan. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments