^

Metro

Hepe ng Taguig police, sinibak agad ng bagong mayor

-
Matapos na makaupo ang bagong halal na alkalde ng Taguig na si Sigfrido Tinga, agad na sinibak nito sa puwesto ang hepe ng pulisya na si Supt. Artemio Bermido base sa naging rekomendasyon nito kay Regional Director Romeo Peña ng National Capital Regional Police Office(NCRPO).

Si Bermido na naka-leave ay pinalitan ni Supt. Reynaldo Fernando na sinasabi namang malapit kay Tinga.

Nabatid na tinanggal si Bermido dahil sa umano’y tahasang pagsuporta at pagiging malapit nito sa kalaban ni Tinga na si dating Mayor Ricardo Papa.

Sa kabilang dako, kinuwestyon ng mga pulis sa nabanggit na bayan ang Commission on Elections kung saan napapunta ang pondo na sana ay laan sa kanila noong nakalipas na May election.

Anila, hindi umano nila natanggap ang pondong ipinamahagi ng komisyon para sa mga pulis na nagsilbi sa nakaraang halalan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANILA

ARTEMIO BERMIDO

BERMIDO

LORDETH BONILLA

MAYOR RICARDO PAPA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

REGIONAL DIRECTOR ROMEO PE

REYNALDO FERNANDO

SI BERMIDO

SIGFRIDO TINGA

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with