Si Sigfrido Tinga ay nanumpa bilang nanalong alkalde ng nabanggit na bayan sa tanggapan ng Taguig Municipal Office, subalit kapuna-puna ang hindi pagdalo sa naturang seremonya ng bise alkalde na si re-electionist Loida Labao at ang anim pang konsehal na kapartido ng dating Taguig Mayor Ricardo Papa noong nakaraang halalan.
Matatandaan na naantala ang proklamasyon kay Tinga, matapos maghain ng petisyon si Papa sa Commission on Election (COMELEC).
Subalit sa pinalabas na desisyon ng Comelec napatunayang si Tinga ang nagwaging alkalde.
Kaagad sinalubong si Tinga ng mga katakut-takot na problema dahil sa pagkawala ng hindi mabilang na computer sa office of the mayor, mga lamesa at mga kagamitan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)