Nilalapatan ng lunas sa Muntinlupa City Medical Center ang biktima na nakilalang si Ronnie Bandilla,may-asawa, residente ng Purok 8, Joaquin Compound, Bgy. Alabang na nagtamo ng maraming pasa at tatlong saksak sa likod.
Isa sa tatlong magkakapatid ang naaresto na nakilalang si Dario Daulong, 22 habang nakatakas naman sina Dominador, Jobert na pawang residente ng nasabing lugar.
Nabatid sa pulisya na sinugod bandang alas 10:00 ng gabi ng magkakapatid ang biktima dahil ito umano ang nambabato ng kanilang bahay sa tuwing malalasing.
Hindi na nakapalag ang biktima nang siya ay pinagtulungang gulpihin at saksakin ng magkakapatid.
Isinugod ang biktima ng kanyang mga kamag-anak sa pagamutan habang si Dario lang ang naaresto ng pulisya nang puntahan ang bahay nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)