Paslit nahulog sa kanal, tigok
July 1, 2001 | 12:00am
Nasawi ang isang 2 taong gulang na batang lalaki matapos itong malunod nang mahulog sa isang kanal habang naglalaro sa kasagsagan ng buhos ng ulan kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Mahigit na labing-anim na oras bago natagpuan kahapon ng umaga ng mga rescue team ang bangkay ni Ian Sumatra ng 1141 2nd St., 8th Avenue sa ilalim ng malaking kanal.
Sa salaysay ng ina ng biktima na si Mary Ann Agustin sa pulisya na dakong alas -2:45 ng hapon ay abala siya sa paglalaba at hindi niya napansin na nakalabas ng bahay ang anak kahit na malakas ang ulan kasama ang kalarong pipi na si Randy, 3.
Ilang oras niyang hinanap ng anak nang dumating si Randy sa bahay at sa kabila ng pagiging pipi nito ay naimuwestra at itinuro kung saan nahulog si Ian.
Kaagad na humingi ng tulong sa mga awtoridad si Mary Ann para puntahan ang kinahulugang kanal ng anak na nandoon pa ang pares nitong tsinelas.
Nagtulong-tulong ang ibat-ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan sa pagsagip sa paslit at pagkalipas ng higit sa labing-anim na oras ay nakuha ang katawan ng biktima na lumobo na ang tiyan dahil sa daming tubig kanal na nainom nito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended