Ang suspek ay nakilalang si Emiliano Caina, negosyante ng Sta. Quiteria ng nasabing lungsod at nakumpiska sa kanya ng mga awtoridad ang isang granada.
Ang pagkaaresto sa suspek dakong alas-6:00 ng hapon ay batay sa pagsusumbong ng ama nitong si Manuel Caina na ito ay may dalang granada at naghahasik ng takot sa kanilang lugar.
Nagresponde agad ang mga awtoridad at huli sa akto ang suspek na hawak nito ang granada.
Sinabi ng pulisya na kaya nagawang isuplong ng matandang Caina ang anak dahil may galit ito dito matapos isuplong din siya noon sa pulisya na siya ay mayroong pa-jueteng. (Ulat ni Gemma Amargo)