P20M libelo isinampa ni Amalia sa S-Files
June 29, 2001 | 12:00am
Nagsampa ng P20 million libel suit ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes sa Quezon City Prosecutors Office laban sa isang kolumnista at sa isang TV show ng GMA Channel 7.
Sa kanyang affidavit, sinabi ni Fuentes o Amalia Muhlach sa tunay na buhay ng New Manila QC, na lubhang paglalapastangan at nakasira sa kanyang pagkatao ang pahayag ni Chit Ramos, sa S-Files nang maliitin nito ang kanyang pagkatao.
Binigyang diin pa ni Amalia na masyadong nakasama sa kanya bilang isang respetadong tao ang sobrang panghihimasok ni Ramos sa personal niyang buhay at ng pamilya.
Si Chit Ramos ay kapatid ni Ethel Ramos na manager ni Aga Muhlach na pamangkin naman ni Amalia.
Ang umanoy hindi makatuwirang pamamahayag ay naganap nang i-feature ng S-Files ang preparasyon sa kasal nina Aga at Charlene Muhlach. Bukod kay Ramos, idinemanda ni Amalia ang host na si Paolo Bediones, Mildred Natividad-producer at Rico Gutierrez-director ng nasabing T.V. talk show.
Nabatid sa abogado ni Amalia na si Atty. Bonnie Baltazar na ang naturang complaint ay iniharap na rin nila sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ayon kay MTRCB Chairman Alejandro Roces na maaaring masibak sa ere ang S-Files kung mapapatunayang may pagkakasala ang ginawang pagsasahimpapawid ng naturang programa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended