Lola tiklo sa shabu
June 29, 2001 | 12:00am
Kulungan ang kinasadlakan ng isang 73-anyos na lola makaraang ito ay maaresto ng pulisya sa isang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Malate, Manila.
Bukod sa suspek na si Lola Felicima Mataga, ng 620 San Andres St., Malate, ay inaresto rin ng pulisya si Roderick Santos, 30 ng Leveriza St., Malate sa aktong bumibili umano ito ng shabu sa una.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga awtoridad nang magpanggap na poseur buyer si SPO1 Renato Ruiz sa bahay ng matanda.
Nabatid na bago isagawa ang naturang buy bust operation, ipinagkanulo si Mataga ng kanyang mga kapitbahay na silang nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad ukol umano sa lantarang pagbebenta nito ng shabu sa kanilang lugar.
Pagkapasok umano ni Ruiz sa loob ng bahay ay kumuha ang matanda ng limang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500.
Kaya agad na inaresto ni Ruiz ang matanda at si Santos na umanoy bumibili ng shabu.
Hindi naman pinabulaanan ng matanda na isa siyang pusher at sinabing ibinabagsak lamang umano ng isang babae ang kanyang binebentang shabu sa kanyang tirahan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended