10 miyembro ng robbery holdup gang at cellphone snatcher naaresto
June 28, 2001 | 12:00am
Siyam na pinaghihinalaang miyembro ng robbery-holdup gang at isang miyembro ng agaw-cellphone gang ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang serye ng operasyon sa Quezon City.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Camp Crame kahapon, iprinisinta nina PNP Chief Director General Leandro Mendoza at Metro Manila police chief Director Romeo Peña ang mga naarestong mga suspek.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Vicente Bariso, 20; Christopher Tigolo, 20; Rodel Ganain, 21; Raymar Raymundo, 17; Jonathan Astrologo na pawang taga Marikina City; Mike Acosta, 18; Arnel Arlego, 21; kapwa taga-Balara, Q.C.; Michael Chan, 19; Danilo Morales, 27; pawang tubong Samar at Sonny Dariso, 20.
Unang naaresto ang mga suspek na sina Bariso, Tigolo, Ganain, Raymundo, Acosta, Arlego habang ang mga ito ay kumakain sa isang sangay sa Jollibee sa Aurora Blvd., Quezon City dahil sa panghoholdap ng cellphone at kuwintas sa isang Allan Esteves.
Nahuli naman sina Chan, Morales at Dariso dakong alas-3:00 ng hapon habang sa aktong pinagnanakawan ng mga ito ang Cholo Management Resources Inc., na matatagpuan sa Rm. 308 St. Francis Condominium, Potsdam St.,Cubao.
Si Astrologo ay nasakote sa tapat ng Union Square Condominium sa kahabaan ng 15th Avenue, Cubao ilang oras matapos na agawan nito ng cellphone ang isang pulis. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am