Pulis, isa pa tinodas ng holdaper
June 27, 2001 | 12:00am
Dalawa katao kabilang ang isang pulis ang nabaril at napatay ng mga holdaper habang nasa malubhang kalagayan ang apat pang biktima sa naganap na holdapan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng Central Police District ang mga nasawing biktima dahil sa tinamo nitong tama ng bala ng baril sa kanilang katawan sina PO3 Henry Ubalde, isang kagawad ng PNP na nakatalaga sa Dept. of Interior and Local Govt. at nakatira sa 621 Lapu-Lapu St., Manggahan, Pasig City at Lavinla Bulanon, 19, ng Navotas, Metro Manila.
Ang iba pang biktima na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC) ay kinilalang sina Carmelo Yap na nagtamo ng tama ng saksak sa katawan; Joy Dominguez, may tama ng baril; Michael Malate, may tama ng saksak at baril; at Armando Paimlano, may tama ng baril.
Ayon sa ulat, bandang ala-1:20 ng madaling-araw habang nakasakay ang mga biktima sa isang jeep na may plakang NYR-453 at binabagtas ang kahabaan ng East Avenue nang magdeklara ng hold-up ang limang suspek na armado ng patalim at baril.
Dahil sa tawag ng tungkulin ay agad na nagpakilalang pulis ang biktimang si Ubalde subalit agad itong binaril ng isa sa mga suspek.
Bago nalagutan ng hininga si Ubalde ay nagawa pa nitong mabaril ang isa sa mga suspek na nakilalang si Paul Gerald Tamayo, 16, walang trabaho at nakatira sa Bulacan na naka-confine ngayon sa EAMC.
Dahil sa nagsisigaw ang mga biktima kung kayat nataranta ang mga holdaper at pinagbabaril at pinagsasaksak ang mga pasahero. Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang apat pang suspek na kinilala sa kanilang mga alyas na Baba, Kalbo, Danilo at Darius.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga nakatakas na holdaper na mga kasamahan ni Tamayo. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 27, 2024 - 12:00am