^

Metro

Nakakalasong isdang Barracuda at Torsillo ginagawang fishball

-
Dahil hindi na nabibili ang isdang Barracuda at Torsillo matapos ang panawagan ng Department of Health na ito ay kontaminado ng matinding lason, siya naman itong sinasamantala ng mga negosyante para gawing fishball.

Nabatid na sa kabila na hindi pinapansin ang mga nabanggit na isda sa fishport ng Navotas at Malabon ito naman umano ay pinapakyaw ng mga negosyante mula sa Blumentritt, Divisoria, Quinta at Novaliches para gawing fishball.

Sa kamurahan ng presyo ng Barracuda at Torsillo ito ngayon ay siyang ginagamit sa paggawa ng fishball.

Bagaman wala pang naitala o naiulat na pagkalason mula sa pagkain ng fishball ay hinikayat pa rin ng DOH na hanggat maaari ay huminto muna sa pagkain ng fishball dahil hindi tiyak kung anong isda ang ginamit dito.

Nanawagan din ang DOH sa manufacturer ng fishball na kung maaari ay huwag munang gumamit ng mga nasabing kontaminadong isda hanggat hindi pa natatanggal ang toxic contamination nito. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BAGAMAN

BLUMENTRITT

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DIVISORIA

FISHBALL

MALABON

NABATID

TORSILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with