Preliminary investigation kay Lacson, pinatigil ng korte
June 26, 2001 | 12:00am
Tuluyan nang pinatigil ng Manila Regional Trial Court ang isinagawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation sa kasong kidnapping at murder na kinakaharap ni Senator-elect Panfilo Lacson.
Sa siyam na pahinang ipinalabas na writ of preliminary injuction kahapon, ipinag-utos ni Manila RTC Branch 55 Judge Hermogenes Liwag na itigil ng prosecution na isailalim sina Lacson at Sr.Supt. Michael Ray Aquino ukol sa kasong kidnapping with murder na isinampa ni dating Narcotics agent Mary Ong a.k.a Rosebud laban sa mga ito.
Magugunita na una ng nagsumite ng motion to dismiss ang kampo ni Lacson sa nabanggit na korte at iginiit na walang hurisdiksyon ang DOJ sa kanilang mga kaso dahil sa ito ay nakasampa na sa Ombudsman.
Sinampahan ni Mary Ong ng kaso sina Lacson dahil sa umanoy pagpatay sa mga Tsinong hinihinalang miyembro ng 14 K drug syndicate. (Ulat nina Andi Garcia at Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am