Kinilala ni Inspector Josephine Pacadaljen, assistant jail warden ang mga suspek na sina Arnulfo Cayo, 30, may kasong murder at Jorge Contreras, 28, na may kasong ukol sa droga.
Ayon kay Insp. Pacadaljen, nakatanggap sila ng impormasyon na may drogang ipupuslit sa loob ng bilangguan na nakalagay sa ilalim ng isang kaning mainit, kaya agad nitong inutos na ang mahigpit na pagbabantay.
Bandang alas 8:30 ng gabi ay may apat na kalalakihan ang dumalaw sa mga suspek na kapwa nasa selda 9 at may dala itong mainit na kanin na nakalagay sa plastik.
Nang maibigay na ang nasabing kanin ay mabilis na umalis ang apat na dalaw nina Cayo at Contreras.
Hindi sukat akalain nina Cayo at Contreras na pumasok ang mga jailguard at nahuli sila sa aktong nagre-repack ng shabu ang mga suspek na umano ay ibebenta sa kapwa nila bilanggo.
Nakumpiska sa mga ito ang apat na paketeng shabu, kayat panibagong kaso ang iniharap sa dalawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)