^

Metro

2 preso tiklo sa " shabu con rice"

-
Dalawang preso ng Pasay City Jail ang natiklo ng mga jailguard matapos mahuli ito sa aktong nagre-repack ng shabu na inilagay sa ilalim ng bagong lutong kanin na nasa plastik kamakalawa ng gabi sa loob ng nasabing bilangguan.

Kinilala ni Inspector Josephine Pacadaljen, assistant jail warden ang mga suspek na sina Arnulfo Cayo, 30, may kasong murder at Jorge Contreras, 28, na may kasong ukol sa droga.

Ayon kay Insp. Pacadaljen, nakatanggap sila ng impormasyon na may drogang ipupuslit sa loob ng bilangguan na nakalagay sa ilalim ng isang kaning mainit, kaya agad nitong inutos na ang mahigpit na pagbabantay.

Bandang alas 8:30 ng gabi ay may apat na kalalakihan ang dumalaw sa mga suspek na kapwa nasa selda 9 at may dala itong mainit na kanin na nakalagay sa plastik.

Nang maibigay na ang nasabing kanin ay mabilis na umalis ang apat na dalaw nina Cayo at Contreras.

Hindi sukat akalain nina Cayo at Contreras na pumasok ang mga jailguard at nahuli sila sa aktong nagre-repack ng shabu ang mga suspek na umano ay ibebenta sa kapwa nila bilanggo.

Nakumpiska sa mga ito ang apat na paketeng shabu, kayat panibagong kaso ang iniharap sa dalawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARNULFO CAYO

AYON

BANDANG

CAYO

CONTRERAS

DALAWANG

INSPECTOR JOSEPHINE PACADALJEN

JORGE CONTRERAS

LORDETH BONILLA

PASAY CITY JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with