^

Metro

Pabrika ng sigarilyo naabo

-
Tulad ng kanilang ginagawang produkto, tuluyang naging abo ang may P1.5 bilyong halaga ng ari-arian matapos lamunin ng apoy ang isang pabrika ng sigarilyo na pag-aari ng isang Indonesian national kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Natupok ang buong pro-duction building ng Sterling Tobacco Corporation na nasa no.305-307 J. Rizal corner Castañeda St., Bgy. Namaya na pag-aari ni Futura Sampura.

Sa ulat ng Mandaluyong Fire Department nagsimula ang sunog dakong ala-1:18 ng madaling araw matapos mapansin ng security guard na umuusok ang isang bahagi ng production area ng mga pinatuyong dahon ng tabako na ginagawang sigarilyo.

Mabilis lumaki at kumalat ang apoy sa buong lugar kaya agad tumawag ang security ng bumbero.

Agad namang rumesponde ang mga miyembro ng pamatay sunog na nahirapang apulain ang apoy dahil hindi nila mabuksan ang pinto ng pabrika at mapasingaw ang apoy.

Inilagay lamang sa under control ang sunog dakong alas 3:45 ng madaling araw ngunit hindi pa tuluyang naapula.

Natupok sa loob ng pabrika ang mga makina sa paggawa ng sigarilyo at hindi naman nadamay ang gusali ng administration, warehouse at processing department.

Nabatid na ilang beses nang inirereklamo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) ng mga residente ang nasabing kompanya dahil sa pagpapalabas nito ng maitim na usok na nakakaapekto sa kanilang kalusugan.(Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FUTURA SAMPURA

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG FIRE DEPARTMENT

NATUPOK

STERLING TOBACCO CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with