^

Metro

15 kawani ng KTV bar inaresto

-
Inaresto kahapon ng mga opisyales ng Manila City Hall ang may 15 staff ng Intimacy KTV bar sa Ermita, Maynila matapos na madiskubre na nagsasagawa pa rin ng ‘guerilla’ operation ang nasabing nightspot bagaman iniutos na noong Miyerkules ang pagpapasara dito dahil sa tahasang paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Ayon kay Supt. Napoleon Taas, Hepe ng Special Operations Group ng Manila City Hall, nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang nagmamay-ari ng nasabing bar na si Emma Lim dahil sa patuloy na pagbabalewala nito sa closure order na ipinalabas ni Manila Mayor Lito Atienza dahil sa paglabag ng city ordinance at Philippine Immigration Laws.

Nabatid na ang Karaoke bar ay ipinasara ni Atienza makaraan ang isinagawang raid ng mga ahente ng National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration dito sanhi ng pagkakaaresto ng may 14 kababaihang Chinese national dahil sa ilegal na pagkakapasok ng mga ito sa bansa at pagtatrabaho bilang mga Guest Relations Officers (GRO) na walang working visas at health clearances mula sa City Hall. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CITY HALL

ELLEN FERNANDO

EMMA LIM

GUEST RELATIONS OFFICERS

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

NAPOLEON TAAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with