^

Metro

10,000 sako ng puslit na bigas nasabat

-
Inatasan ng Malacañang ang Bureau of Customs na busisiing mabuti ang kaso ng tangkang pagpupuslit ng 10,000 sako ng bigas mula sa Taiwan na nagkakahalaga ng P16 milyon.

Ang direktiba ay pinalabas ng Malacañang matapos iulat ni Customs Commissioner Titus Villanueva kay Pangulong Arroyo ang pagkasabat ng mga ahente ng BOC sa puslit na bigas lulan sa mga container van na naipasok sakay ng barkong Uni-Modest noong Hunyo 11.

Ipinabatid ni Villanueva sa kanyang report sa Pangulo na ang puslit na bigas ay nakapangalan sa Speedtrans International Corporation na matatagpuan sa suite 906-910 BSP Manhattan Bldg., 415 Nueva St., Binondo, Manila.

Ang kargamento ay ideneklarang Titanium Dioxide, modelling paste, animal fat at degras subalit nang mabuksan ang kargada ito ay napatunayang mataas na uring bigas na may brand name na Flying Eagle at walang import permit mula sa NFA.

Sinabi ni Villanueva na magpapalabas ng ang kanyang mga tauhan ng warrant of seizure and detention sa puslit na bigas sa paglabag sa section 2503 ng Tariff and Customs Code of the Philippines. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER TITUS VILLANUEVA

FLYING EAGLE

LILIA TOLENTINO

MALACA

MANHATTAN BLDG

NUEVA ST.

PANGULONG ARROYO

SPEEDTRANS INTERNATIONAL CORPORATION

TARIFF AND CUSTOMS CODE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with