Ang direktiba ay pinalabas ng Malacañang matapos iulat ni Customs Commissioner Titus Villanueva kay Pangulong Arroyo ang pagkasabat ng mga ahente ng BOC sa puslit na bigas lulan sa mga container van na naipasok sakay ng barkong Uni-Modest noong Hunyo 11.
Ipinabatid ni Villanueva sa kanyang report sa Pangulo na ang puslit na bigas ay nakapangalan sa Speedtrans International Corporation na matatagpuan sa suite 906-910 BSP Manhattan Bldg., 415 Nueva St., Binondo, Manila.
Ang kargamento ay ideneklarang Titanium Dioxide, modelling paste, animal fat at degras subalit nang mabuksan ang kargada ito ay napatunayang mataas na uring bigas na may brand name na Flying Eagle at walang import permit mula sa NFA.
Sinabi ni Villanueva na magpapalabas ng ang kanyang mga tauhan ng warrant of seizure and detention sa puslit na bigas sa paglabag sa section 2503 ng Tariff and Customs Code of the Philippines. (Ulat ni Lilia Tolentino)