^

Metro

Utak sa BPI Bank rob, naaresto

-
Makalipas lamang ang siyam na oras, bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang tiwaling pulis na itinuturong utak at kabilang sa mga holdaper na tumangay ng mahigit na P.1M kamakalawa sa naganap na panghoholdap sa isang sangay ng Bank of Philippine Island (BPI) sa Makati City.

Sa nasabing holdapan ay isang security guard na nakilalang si Arnold Alejo ang nasugatan sa maikling pakikipagpalitan ng putok sa mga holdaper.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame, iprinisinta ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga mamamahayag ang suspek na si PO3 Robert Provido, 35 tubong Villa, Iloilo City, residente ng Purok 6, B-91 Upper Bicutan,Taguig at nakatalaga sa Taguig Police Station at kasalukuyang sumasailalim sa schooling sa Camp Bagong Diwa.

Si Provido ay nasakote ng mga operatiba ng Southern Police District sa isinagawang operasyon sa tahanan nito at positibong itinuro ng isa sa mga security guard ng banko na si Romulo Gayoso, 37, na inagawan ng armas ng holdapin ng anim na armadong kalalakihan ang banko na matatagpuan sa South Super Highway, Bangkal, Makati City.

Napag-alaman na nabigo ang grupo ni Provido na mabuksan ang vault ng banko kaya’t mahigit na P100,000 lamang na hawak ng isa sa mga teller ang natangay.

Napag-alaman din ng pulisya na si Provido ay may nakabinbing kasong robbery in band sa korte at pansamantala itong nakakalaya matapos makapag-piyansa.

Patuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa lima pang kasamahan ni Provido na pawang mga kilala na. (Ulat ni Joy Cantos)

ARNOLD ALEJO

BANK OF PHILIPPINE ISLAND

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

ILOILO CITY

MAKATI CITY

PROVIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with