^

Metro

Cong. Mark Jimenez malamang na ipatapon

-
Malaki ang posibilidad na mapatapon palabas ng bansa si Manila 6th District Congressman-elect Mark Jimenez makaraang tumibay ang extradition case laban dito nang ibasura ng Manila Regional Trial Court ang motion na humihiling na ipawalang bisa ang nasabing kaso na isinampa ng kanyang kampo noong Hunyo 24.

Si Jimenez ay nahaharap sa 47 kaso sa Estados Unidos kabilang na dito ang mail fraud, falsification of public documents, illegal campaign contributions at iba pa.

Kasabay nito binigyan ni Manila RTC Judge Guillermo Purganan ng 10 araw si Jimenez na magsumite ng kanyang komento habang 10 araw din ang ibinigay sa DOJ na sumagot sa magiging komento ng kongresista.

Itinakda ni Judge Purganan sa Hulyo 24 ang pre-trial kay Jimenez at dito ay malalaman kung sino ang mga tatayong testigo ng magkabilang panig at kung hanggang saan matatalakay ang extradition case. (Ulat ni Grace Amargo)

DISTRICT CONGRESSMAN

ESTADOS UNIDOS

GRACE AMARGO

HULYO

JIMENEZ

JUDGE GUILLERMO PURGANAN

JUDGE PURGANAN

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARK JIMENEZ

SI JIMENEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with