Si Jimenez ay nahaharap sa 47 kaso sa Estados Unidos kabilang na dito ang mail fraud, falsification of public documents, illegal campaign contributions at iba pa.
Kasabay nito binigyan ni Manila RTC Judge Guillermo Purganan ng 10 araw si Jimenez na magsumite ng kanyang komento habang 10 araw din ang ibinigay sa DOJ na sumagot sa magiging komento ng kongresista.
Itinakda ni Judge Purganan sa Hulyo 24 ang pre-trial kay Jimenez at dito ay malalaman kung sino ang mga tatayong testigo ng magkabilang panig at kung hanggang saan matatalakay ang extradition case. (Ulat ni Grace Amargo)