Sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng engineering department dakong ala-1:22 ng madaling-araw na pinaghihinalaang dito nakaimbak ang ibat ibang uri ng kemikal.
Sa pagsisiyasat ng Arson Investigation Division ng Manila Fire Department, isang malakas na pagsabog ang narinig ng mga nakatalagang security guard na sinundan ng pagsiklab ng apoy na mabilis na kumalat.
Umabot sa ikalimang alarma ang nasabing sunog at naapula bandang alas-2:33 ng madaling araw sa tulong ng ibat-ibang sangay ng pamatay sunog sa kamaynilaan.
Dahil sa nasabing sunog sinuspinde ng pamunuan ng TUP ang klase kahapon at sa araw na ng Lunes magsisibalikan ang mga estudyante. (Ulat ni Ellen Fernando)