^

Metro

TUP nasunog

-
Umaabot sa halagang P15 milyong pisong mga ari-arian ang naabo sa mahigit isang oras na sunog na tumupok sa ikalawang palapag ng gusali ng Technological University of the Philippines (TUP) sa San Marcelino St., Ermita, Manila kahapon ng madaling-araw.

Sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng engineering department dakong ala-1:22 ng madaling-araw na pinaghihinalaang dito nakaimbak ang iba’t ibang uri ng kemikal.

Sa pagsisiyasat ng Arson Investigation Division ng Manila Fire Department, isang malakas na pagsabog ang narinig ng mga nakatalagang security guard na sinundan ng pagsiklab ng apoy na mabilis na kumalat.

Umabot sa ikalimang alarma ang nasabing sunog at naapula bandang alas-2:33 ng madaling araw sa tulong ng ibat-ibang sangay ng pamatay sunog sa kamaynilaan.

Dahil sa nasabing sunog sinuspinde ng pamunuan ng TUP ang klase kahapon at sa araw na ng Lunes magsisibalikan ang mga estudyante. (Ulat ni Ellen Fernando)

ARSON INVESTIGATION DIVISION

DAHIL

ELLEN FERNANDO

ERMITA

MANILA FIRE DEPARTMENT

SAN MARCELINO ST.

SUMIKLAB

TECHNOLOGICAL UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

ULAT

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with