2 carnapper todas sa shootout
June 22, 2001 | 12:00am
Dalawang pinaniniwalaang miyembro ng carnapping syndicate ang nasawi habang nakatakas ang 2 nitong kasamahan matapos makipagbarilan ang mga ito sa mga tauhan ng pulisya kahapon sa Quezon City.
Isa sa mga nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang identification card na si Liberato Rabosa ng Bgy. Catmon, Malabon habang ang isa pang napatay ay nakasuot naman ng sando at nakapantalong maong.
Ayon sa ulat ng pulisya na bandang alas-4:00 ng hapon kahapon ng mamataan ng mobile patrol unit ng CPD station 1 ang inalarmang Nissan Sentra na may plakang TMJ-850 sa kahabaan ng Quezon Avenue.
Sinundan ng mga awtoridad ang nasabing kotse na umanoy kinarnap kamakalawa bandang alas-10:00 ng umaga habang ito ay nakaparada sa tapat ng Sienna College.
Nakatunog ang mga carnappers na sila ang hinahabol ng pulisya kaya mabilis na pinasibad nito ang sasakyan at pagsapit sa Santo Tomas St., Galas ay nakipagpalitan ng putok ang apat na hindi nakikilalang suspek.
Gumanti ng putok ang mga awtoridad at ilang minutong barilan ay naiwang duguan ang 2 suspek sa loob ng kotse habang nakatakas ang dalawang kasama nito.
Nabawi ng mga awtoridad ang kotseng kinarnap at ilang gamit pambabae na posibleng pag-aari ng isang estudyante ng Sienna College. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended