^

Metro

Exotic disease sa saging positibo - DA

-
Inamin kahapon ng Department of Agriculture (DA) na may ‘exotic disease’ ang ilang mga saging sa bansa.

Gayunman, sinabi ni DA Undersecretary Ernesto Ordoñez, na ang mga saging na nagtataglay nito ay hindi naman naibebenta.

"Yung sinasabing exotic disease sa saging, hindi nadadala sa palengke para ibenta dahil sa hindi maganda ang itsura nito na tinatanggihan din ng maski ng mga tindera," pahayag ni Ordoñez.

Iniulat din nito na wala namang napapaulat na naapektuhang Pinoy na nakakain ng saging na may exotic disease batay sa kanilang talaan.

Pagtatae ang siyang pangunahing nagiging epekto sa tao na kumain ng saging na nagtaglay ng exotic disease.

Kaugnay nito, niliwanag ni Ordoñez na isang paninira lamang ang ulat na sinasabi ng Australia na nagtataglay ng nabanggit na sakit ang mga saging na nagmumula sa Pilipinas.

Sinabi ni Ordoñez na produktong mangga lamang ang nailuluwas ng Pilipinas sa Australia at walang nadadala doon na produktong saging.

Ayon dito, lahat ng ini-export na prutas ng bansa ay dumadaan sa masusing pagsusuri at hindi nakakalusot ang mga hindi dumaan sa quality control. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CRUZ

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GAYUNMAN

INAMIN

INIULAT

PILIPINAS

SAGING

UNDERSECRETARY ERNESTO ORDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with