Umawat sa away ng anak, napatay
June 21, 2001 | 12:00am
Nasawi ang isang 54-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng isang mag-ama na kaaway ng anak nito kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Dead on arrival sa Parañaque Medical Center sanhi ng saksak sa kanang dibdib ang biktimang si Fernando Berde, ng 003 Purok 2 Meralco Road, Sucat ng naturang lungsod.
Isa sa suspek ang naaresto na nakilalang si Rafael Africa, 59 habang ang anak nitong si Louie ay patuloy na hinahanap ng pulisya.
Sa pagsisiyasat ni PO2 Felix Paor, naganap ang insidente sa Tramo Purok 2, Sucat, Muntinlupa bandag alas-9:45 ng gabi.
Napag-alaman na ang anak ng biktima ay nakikipag-away sa mag-amang Africa kung kaya dali-daling sumugod at umawat.
Tinangkang pakalmahin ng matandang Berde ang kanyang anak at mga kaaway nito subalit ang kanyag panghihimasok ay naging daan upang lalong magalit ang mga suspek.
Gamit ang isang kutsilyo, mabilis na inundayan ng saksak ng mag-amang suspek si Berde at naging huli na para mapigilan pa ito ng anak ng biktima hanggang sa duguang humandusay ang huli.
Samantala, patuloy pa sa follow-up ang Muntinlupa City Police-Criminal Investigation Division (CID) sa kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended