^

Metro

Cellphone guns, ipupuslit sa bansa ni Bin Ladin

-
Inalerto kahapon ng Bureau of Customs ang Ninoy Aquino International Airport at lahat ng major ports at sub-ports sa buong bansa matapos makatanggap ng intelligence reports tungkol sa mga cellphone guns na tangkang ipuslit sa buong bansa ng isang international terrorist group.

Ang mga cellphones ay hinihinalang ipinakakalat ni Uzama Bin Laden, isang international terrorist sa mga terorista partikular sa European community.

Ayon kay Ray Allas, Customs Deputy Commissioner for Intelligence and Enforcement Group (IEG), ang mga makabagong armas ay nadiskubre ng mga Dutch police sa isinagawang raid sa hideout ng mga terorista sa Amsterdam.

Nabatid din sa report na ang pagkakahuli ng isang Croatian gun dealer na nahuli habang nagpupuslit ng mga armas patungong Slovania sa Eastern Europe.

Bagamat medyo may kabigatan sa ordinaryong cellphone, sa unang tingin ay parang regular na cellphone dahil sa hugis at laki nito subalit sa ilalim ng digital face ay isa itong .22 caliber na pistola.

Ang cellphone gun ay puwedeng maglabas ng apat na sunud-sunod na putok sa pamamagitan ng pagpindot sa numerong 5, 6, 7 at 8.

Ayon sa mga awtoridad, ang cellphone gun ay magiging banta sa national security sapagkat puwede itong gamitin sa pag-assassinate sa mga prominenteng lider ng bansa. (Ulat ni Butch M. Quejada)

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH M

CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER

EASTERN EUROPE

INTELLIGENCE AND ENFORCEMENT GROUP

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RAY ALLAS

UZAMA BIN LADEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with