3 katao dinukot sa UP Campus
June 19, 2001 | 12:00am
Tatlo katao na lulan ng isang Mercedes Benz ang hinarang at dinukot ng mga armadong kalalakihan na nakasuot ng uniporme ng pulisya kahapon ng umaga sa loob ng UP Campus, Diliman, Quezon City.
Kinilala ni Area Supervisor Leo Agarao, officer-in-charge ng UP Police ang mga dinukot na biktima ay sina Mary Grace Radagas, ang driver na si Dionisio Borca at isang alyas Mang Val na pawang lulan ng kulay maroon na Mercedes Benz.
Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 kahapon ng umaga habang minamaneho ni Borca ang nasabing sasakyan lulan sina Radagas at Val at tinatahak ang Osmeña Ave. sa tapat ng College of Law bldg. sa loob ng UP Campus nang harangin ito ng dalawang sasakyan.
Ayon sa mga saksi, tatlo umanong nakauniporme ng pulis ang bumaba saka nilapitan ang nasabing sasakyan saka tinutukan ng armalite rifle ang mga lulan ng Mercedes Benz.
Sapilitang pinababa sa kanilang sasakyan ang tatlong biktima kasunod ay isinakay sa kotse ng mga suspek at mabilis na umalis saka iniwan ang sasakyan ng mga biktima sa nasabing campus.
Malaki ang hinala ng mga awtoridad na napagkamalan lamang ng mga kidnaper ang mga biktima at inakala nilang nakasakay sa nasabing Mercedes Benz ang may-ari ng Marigold Holding Properties na dating owner ng Universal Textiles na si Pitchie Ching na hinihinalang target ng mga suspek.
Kasalukuyang nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga tauhan ng Central Police District (CPD) upang masagip ang mga dinukot na biktima at maaresto naman ang mga suspek. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended