^

Metro

Killer ng gasoline owner timbog

-
Nadakip kahapon ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa tatlong umano’y pumaslang sa isang negosyante na nagmamay-ari ng Shell gasoline station makaraang limasin ng mga suspek ang salaping kinita ng nabanggit na gasolinahan sa Pasig City.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang suspek na si Faustino Gerona, alyas Noel, 39, house painter at residente ng Blk. 16 Brgy. San Jose, Gen. Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng NBI Special Action Unit (SAU) na pinamumunuan ni Atty. Edmund Arugay, si Faustino kasama ang dalawang di pa kilalang suspek na nakatakas ay natagpuan ng mga awtoridad sa hide-out ng mga ito sa Brgy. San Jose GMA, Carmona, Cavite at si Faustino ay positibong itinuro ng isang witness na siyang bumaril at kasamang nangholdap sa gasoline station na pag-aari ng biktimang si Virgilio Bordeos Sr.

Nabatid mula sa rekord ng NBI, ang insidente ay naganap noong May 28 kung saan tatlo katao, kasama si Faustino ang dumating sa nabanggit na gasoline station at agad na nagdeklara ng holdap at mabilis naman nitong kinuha ang suitcase ng anak ng biktimang sina John Mark at Virgilio Jr. na naglalaman ng ilang importanteng dokumento at isang .38 kaliber ng baril. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EDMUND ARUGAY

FAUSTINO

FAUSTINO GERONA

GRACE AMARGO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with