Ito ang babala kahapon ni Health Secretary Manuel Dayrit na nagsabing hindi na kailangan pang maulit ang lumabas na balita sa Pilipino Star NGAYON na may isang 5-anyos na batang babae ang namatay nang dahil lamang sa kagat ng pusa.
Nabatid sa kalihim na base sa kanilang istatistika, simula noong 1999 hanggang 2000, ang bilang ng mga naging biktima ng rabbies ay 98.9 porsyento habang 1.1 bahagdan naman ay mula sa pusa.
Sinabi pa ni Dayrit, hindi dapat na namatay ang biktima na isinugod sa San Lazaro Hospital na nasa malala nang kondisyon kung nalapatan ito ng ‘post exposure treatment’ kaagad.
Napag-alaman na nagtatag ang Department of Health ng Animal Bite Treatment Center sa mga istratehikong lugar (1 center kada probinsya o lungsod) kung saan dinadala ang mga pasyente para sa wastong pagsusuri at pangangalaga bilang bahagi ng rabbies prevention program na sama-samang iniimplementa ng DOH, Dept. of Agriculture, DECS at DILG. (Ulat ni Andi Garcia)