^

Metro

Pawnshop sinalakay ng "Martilyo Gang"

-
Sunud-sunod ang naging pag-atake ng mga holdaper ngayon sa Pasig City matapos na unang tangayin ng hinihinilang mga miyembro ng ‘martilyo gang’ ang tinatayang P800,000 halaga ng alahas sa isang bahay-sanglaan kamakalawa.

Sa ulat ng Pasig police, unang nilooban ng limang armadong lalaki ang Tambunting Pawnshop sa may Ortigas Ave. Ext., Brgy. Rosario, Pasig City dakong ala-1 kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Lita Hidalgo, chief appraiser ng sanglaan, biglaan umano ang pagsalakay ng mga suspek. Tatlong lalaki ang mabilis na pumasok sa kanilang opisina.

Agad umano silang tinutukan ng dalawa sa mga ito na armado ng M-16 armalite habang binabasag naman ng isa nilang kasamahan ang mga salaming estante na naglalaman ng mga alahas gamit ang isang martilyo. Nasa labas naman umano ang dalawa pang lalaki na nagsilbing look-out.

Umaabot umano sa halagang P800,000 ang mga alahas na tinangay ng mga ito na inilagay sa isang kulay dilaw na bag. Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay gintong Honda Civic (UFZ-101) patungo sa direksyon ng Floodway, Brgy. Sta. Lucia, nasabi ring lungsod.

Sinabi ng pulisya na hindi na umano nahirapan ang mga holdaper dahil sa wala naman umanong security guard ang naturang establisimiyento nang mga oras na sumalakay ang mga ito.

Inilarawan naman ng mga saksi ang suspek na bumasag ng mga estante na may taas sa pagitan ng 5’6’’ hanggang 5’8’’, may bilugang mukha at nakasuot ng stripe na polo shirt, kulay khaki na pantalon at naka-bonnet.

Kasalukuyang kinukumpirma ng pulisya kung ang naturang grupo ang kilabot na Martilyo Gang na sumalakay kamakailan sa Caloocan City at Quezon City. (Ulat ni Danilo Garcia)

BRGY

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

HONDA CIVIC

LITA HIDALGO

MARTILYO GANG

ORTIGAS AVE

PASIG CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with