Sa desisyon, sinabi ni QCRTC Judge Teresa Yadao ng Branch 81, binasura ang motion to quash na isinampa kamakailan ng kampo ni Enrile kaugnay ng kasong rebelyon dahil may sapat na mga ebidensya na nagdidiin sa kaso nito bukod pa sa pahayag ng mga testigo laban sa huli.
Hindi naman tinuloy kahapon ng umaga ng sala ni Judge Yadao ang pagbasa ng demanda laban kay Enrile kaugnay ng kasong rebellion dahil nais ng korteng tapusin muna ng Department of Justice (DOJ) ang isinasagawang preliminary investigation sa kaso.
Nagbigay na ng impormasyon ang sala ni Judge Yadao sa DOJ na hindi muna sila aaksyon sa kaso ni Enrile hanggat hindi natatapos ang imbestigasyong ginagawa nito sa kaso.
Bibigyan na lamang din umano ng korte ng impormasyon ang kampo ni Enrile kung kailan itatakda ang arraignment sa kaso ng senador.
Si Enrile ay isa sa mga kinasuhan ng rebellion matapos paghinalaang nasa likod ng madugong EDSA III revolt. (Ulat ni Angie dela Cruz)