^

Metro

"Motion to quash" ni Enrile ibinasura ng korte

-
Binasura kahapon ng Quezon City Regional Trial Court ang mosyon ni outgoing Senator Juan Ponce Enrile na ipawalang-saysay ang kasong rebellion na kinakaharap nito kaugnay sa naganap na EDSA III rally noong nakaraang buwan.

Sa desisyon, sinabi ni QCRTC Judge Teresa Yadao ng Branch 81, binasura ang ‘motion to quash’ na isinampa kamakailan ng kampo ni Enrile kaugnay ng kasong rebelyon dahil may sapat na mga ebidensya na nagdidiin sa kaso nito bukod pa sa pahayag ng mga testigo laban sa huli.

Hindi naman tinuloy kahapon ng umaga ng sala ni Judge Yadao ang pagbasa ng demanda laban kay Enrile kaugnay ng kasong rebellion dahil nais ng korteng tapusin muna ng Department of Justice (DOJ) ang isinasagawang preliminary investigation sa kaso.

Nagbigay na ng impormasyon ang sala ni Judge Yadao sa DOJ na hindi muna sila aaksyon sa kaso ni Enrile hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyong ginagawa nito sa kaso.

Bibigyan na lamang din umano ng korte ng impormasyon ang kampo ni Enrile kung kailan itatakda ang arraignment sa kaso ng senador.

Si Enrile ay isa sa mga kinasuhan ng rebellion matapos paghinalaang nasa likod ng madugong EDSA III revolt. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BIBIGYAN

BINASURA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENRILE

JUDGE TERESA YADAO

JUDGE YADAO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SENATOR JUAN PONCE ENRILE

SI ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with