Lola tiklo sa 1.5 kilo na marijuana
June 14, 2001 | 12:00am
Hindi naging hadlang sa isang lola ang kanyang katandaan upang magbenta ng ipinagbabawal na marijuana matapos na madakip ng pulisya at makumpiskahan ng may 1.5 kilo sa isang drug operation na isinagawa kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Ang suspek ay nakilalang si Adela Quijano alyas Nanay Dela, 59, nakatira sa Gladiola St., T.S. Cruz Almanza 2, ng nabanggit na lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Rolando Ramos, ng Drug Enforcement Unit (DEU), Las Piñas Police, isang buwang surveillance ang kanilang isinagawa laban sa matanda base na rin sa mga impormasyong natanggap nila mula sa kanilang asset.
Dahil dito, nagsagawa ng anti-drug operation ang nabanggit na mga alagad ng batas sa pangunguna ni PO3 Joselberto Canon at dakong alas-11 ng gabi ay nadakip ang naturang lola sa mismong bahay at nakumpiska ang 1.5 kilong pinatuyong dahon ng marijuana.
Ayon sa mga pulis, positibo ang suspek na nagbebenta ng marijuana sa nabanggit na lugar at hinihinalang kinukuha ito sa Mountain Province. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended