^

Metro

3 holdaper ng FX taxi timbog

-
Dahil sa sadyang nilikhang pagbubuhol ng daloy ng trapiko, nasakote ng mga awtoridad ang tatlong kilabot na holdaper na tumakas sakay ng isang pampasaherong jeep matapos na mambiktima naman ng isang FX taxi, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina William Natural, 25, ng Kaunlaran St., Fairview, Quezon City; Leo Bulan, 26 at Arnel Alvarez, 24, ng Bangka Extension, Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na magkakasabay na sumakay sa isang FX taxi na minamaneho ni Ernesto Tataba sa may Quiapo ang tatlong suspect patungong Pasig.

Pagdating sa may Shaw Boulevard sa tapat ng Goldilocks Bakeshop ay doon nagpahayag ng holdap ang mga suspect na noon ay armado ng patalim.

Habang nakatutok sa kanilang mga biktima ang mga armas ng suspect, nilimas ng mga ito ang pera, alahas, cellphone ng mga pasahero maging ang maghapong kinita ng driver.

Matapos mangulimbat mabilis na sumakay sa isang pampasaherong jeep ang mga suspect patungo muli sa Quiapo.

Mabilis din namang nakapag-report ang mga biktima sa pulisya na agad na nagresponde.

Inunahan ng mga pulis ang sinasakyan ng mga suspect at pagdating sa Kalentong St. ay ipinahinto ng mga ito ang lahat ng pampasaherong jeep patungong Quiapo.

Isa-isang sinuyod ng mga pulis ang jeep hanggang sa matiyempuhan ang sinasakyan ng mga suspect. Isa sa mga suspect ang nakatulog pa dahil nga sa matinding trapik na sinadya ng mga pulis.

Wala nang nagawa ang mga ito ng tutukan ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya. Nabawi naman ang mga kinulimbat sa mga pasahero at sa driver ng biniktima nilang FX taxi. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARNEL ALVAREZ

BANGKA EXTENSION

DANILO GARCIA

ERNESTO TATABA

GOLDILOCKS BAKESHOP

ISA

KALENTONG ST.

KAUNLARAN ST.

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with