Judge sa Vizconde massacre ninakawan
June 12, 2001 | 12:00am
Galit na galit na nagtungo kahapon sa himpilan ng pulisya ang kontrobersyal na hukom ng Parañaque Regional Trial Court na siyang dating may hawak ng kontrobersyal na "Vizconde Massacre" case at humatol ng habambuhay na pagkabilanggo sa anak ni dating Senador Freddie Webb at iba pang akusado, matapos na limasin ang laman ng kanyang kotse na nakahimpil sa may Malate church habang taimtim na nananalangin ang nasabing judge nitong Linggo ng umaga.
Agad na nagtungo sa tanggapan ng Western Police District-Station 9 si Parañaque RTC Judge Amelita Tolentino, 56, ng Branch 274, residente ng BF Resort, Las Piñas City upang ireklamo ang pagkawala ng kanyang apat na Nokia cellphones na umaabot lahat sa halagang P66,000; P4,500 cash at $30; ilang law books, Parker ballpen, wallet, driving shoes at iba pa na tinatayang umaabot sa P84,000 ang halaga.
Base sa imbestigasyon ni PO1 Aldrin Bancho, may hawak ng kaso, ng Theft and Robbery Section dakong alas-7:00 kamakalawa ng umaga nang maganap ang pagnanakaw habang si Tolentino, kasama ang isang pamangkin na babae ay nagsisimba sa Malate Catholic church na matatagpuan sa panulukan ng San Andres at Mabini Sts., Malate.
Pagkatapos ng misa ay nagtungo na si Tolentino sa kinapaparadahan ng kanyang kulay bluish green na Mazda (USC-819) ngunit laking gulat na lamang nito nang madiskubreng bukas na ang pinto ng sasakyan at nawawala na ang kanyang mga gamit.
Ayon kay Bacho, hindi naman sinira ng mga suspek ang bintana ng kotse ni Tolentino kundi sapilitan na lamang binuksan ang pinto nito.
Nabatid na kahit maliwanag pa ang sikat ng araw sa pinangyarihan ng insidente ay wala namang lumutang na saksi na posibleng magturo kung sino ang responsable sa pagnanakaw. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest